So, 10 years old na pala si FB!

So, 10 taon na pala si FB. Grineet  niyo ba siya? Eh, siya na nga halos ang nagparamdam e.  I mean, hindi nga natin namalayang sampung taon na pala itong social networking site na ito, ano? Well, ayon sa mashable.com, August 2005 officially naging Facebook ang Facebook. Gets? Nagsimula lang kasi itong communication tool ng mga dormers ng Harvard Univeristy gaya nina Mark Zuckerberg at ng kaniyang mga barkada, ngunit nang kalaunan ay pinagkakitaan na niya. So ayun, nagsimula sa maliit na community hanggang sa naging worldwide phenomenon. Para sa mga detalye, panoorin niyo na lang ang pelikulang ‘The Social Network.’

Kailan ko nga ba na-discover ang FB? Hindi naman sa pagmamayabang, nakarating sa aking pandinig ang salitang Facebook nang halos lahat ng mga tao ay nahuhumaling sa Friendster.  Nagsimula ito nang dumating ang aking pinsan na galing States. Habang nag-uusap kami sa lobby ng hotel, palagi niyang nababanggit at tsinetsek ang kanyang laptop.  Napansin kong hindi Friendster ang kanyang ginagamit na social networking site. Facebook nga. At saka, parang hindi naman siya social network kasi parang limited lang yung reach niya kumbaga. Ayun nga, parang in-between friends lang. Ganon. Eh, anong taon ba sila dumating?  2004 ata.

So, I asked her. What’s that you’re using? You know, Friendster is so famous here in the Philippines.

It’s Facebook. And it’s available only in universities, so it’s kinda limited.

Can I join?

Of course.

Ayun. Nag sign up ako. Siyempre naman, ibang-iba ito sa Friendster. Noon, mas prefer ko ang Friendster kasi parang may sense siyang gamitin. Ang FB kasi noon, parang fancy siya. Tapos, lahat na kaibigan mo, puro isteytsayd. Eh kasi naman, wala pa noon dito sa Pinas, di ba? Pagkatapos, sa interface ng FB, puwede kang magbigay ng gifts sa mga friends mo. Pero kailangan may credit ka. Pansamantala kong iniwanan ang FB at bumalik sa Friendster. Boring!

Pagkatapos ng ilang taon, ayun, nadiscover ng Pinoy ang FB nung mga panahong najojologs na ang Friendster. Voila, halos lahat na yata ng mga Pinoy, Facebooker! At nang bumalik ako sa pagi-FB, big improvement na talaga ito kesa sa dati. In other words, naki-join ako sa madlang pipol na walang kaalam-alam na mas jologs pa kesa sa Friendster ang FB nang nagsisimula pa lamang ito (sa aking pananaw lang , ha?)

Hindi naman natin maipagkakaila na kahit anong status natin sa buhay, alam na alam natin kung paano mag-FB. Mapabata o mapamatanda, kayang-kaya mag-post ng kahit anong update tungkol sa kanilang buhay. At heto nga, 10 years old na si FB. At take note, tsinek mo ba ang timeline mo? Anong ganap? Mayroon pang look back look back na nalalaman. Kung si Ryzza Mae may “look up”, si FB naman may “look back.” Kinlik ko nga yung link e. Ayun, isinampal sa akin yung pagbabalik-tanaw na puno ng pictures na na-like at shinare ko. OK.

Mahal ko na ang FB. I think, maimpluwensiya siya. Life-changing kumbaga. Sa katunayan, sinusubok niya ang tunay nating pagkatao. Huh. Ilan na kaya ang nakaaway ko? Parang ayoko na yatang balikan. Sa kalahatan, natutunan ko na sa paggamit ng social neworking site na ito, may kaakibat ding responsibilidad at pag-iingat. It’s a venue for self-expression marahil para sa iba. OK. Pero sana, lagi nating isaisip: TBYT. Yun lang.

Tumatanda tayo kasama ng teknolohiya. Nakadidiskubre tayo ng mga bagong kaalaman sa pagsibol ng mga bagong pamaagi kung saan nakokonekta tayo sa ating kapwa. Pero may hangganan din naman ang lahat. Gaya ng FB. Makatatagal kaya ito? O bagong social network na naman ang lilitaw na muli nating kahuhumalingan?