Ang Flappy Bird…Baw!

by hulotnimikoy

Sa araw-araw at minu-minuto kong paglalaro ng Flappy Bird, masasabi kong hindi ako naaadik sa app na ito. Hindi talaga. Eh, ano nga ba namang laro eto, parang pinagsamang Super Mario at Angry Birds. At ang simple-simple pa.

Score to beat!

Score to beat!

Honestly, noong una, wala talaga akong plano na i-download ang game na ito kasi naman, flooded na yata ang timeline ko ng mga screengrabs na ipinagmamalaki ang mga matataas na score nila. So ayun, nakakainis man, kumbaga, it piqued my curiosity kasi nga parang bakit hindi yata lumalampas sa 10 ang scores ng mga kaibigan ko? LOL.

Maka-download nga. So, eto na nga, sabi nila, stress reliever. Hindi kaya? Stressful din kayang mag-effort na iwasan mong mabangga sa pipes ang ibon, ano? Parang enjoy lang. In fairness. Walang time na hindi ko siya nilalaro. And yes, the game’s beginning to be quite addicting. Pero hindi pa naman ako umabot sa point na hindi ko na siya mabitawan. Steady lang.

Nakaka-adik nga ba ang Flappy Bird? Nakakagulat din naman kasi ang balita na pinatanggal mismo ng developer nito na si Don Nguyen ang game. Ayon sa interview ng Forbes, sinabi ni Nguyen na: “Flappy Bird was designed to play in a few minutes when you are relaxed. But it happened to become an addictive product. I think it has become a problem. To solve that problem, it’s best to take down Flappy Bird. It’s gone forever.”

Wooh. Siya na rin ang nagsabi na addictive ang product na ito. Ito rin siguro ang dahilan kung kaya’t nahuhumaling ang mga manlalaro ng app na ito. Kasi nakakainis pero hindi mo mabitawan, simple pero mahirap. ‘Lam mo yun? Kaya rin siguro minahal ito ng mga tao. But why the removal, di ba?

Palagay ko andami nang naadik sa game na ito. At marami na rin ang galit kay Don. Well, siguro may ilan ding factors na kailangang dapat iconsider kasi hindi nga naman malalim na dahilang na basta lamang i-pull out ang isang app na trip niya lang. Kung pagbabasehan ang article sa Forbes, parang ipino-point out ang impluwensiya ng kultura na sanhi ng pagkakaadik ng mga kabataan sa mga game tulad nga ng Flappy Bird.

Iba rin daw ang depinisyon ng salitang “addictive” sa kamalayang Kanluranin. Kasi nga raw, mas supervised ang mga Western in terms of gaming kesa sa mga Asians na sa internet cafes naglalaro. Kaya siguro may mga kasong patayan dahil lang sa online games. At sa kalahatang ito, dapat bang sisihin si Nguyen? O siguro nga, concern lang si Nguyen sa katotohanang malala ang dulot ng pagiging adik sa games kaya niya tinanggal ang Flappy Bird sa app store. O kung ano man ang mga dahilan niya, dapat na rin siguro natin respetuhin, di ba? At least, nakapag-download na tayo ng Flappy Bird, Malas na lang sa iba na hindi pa, at hindi na makakapag-download, Ever.