Hindi Ko Inakala: Isang Blog Introduction Ulit

by hulotnimikoy

Bagong blog ko ‘to. Yup. Baka sabihin niyong pagsusulat lamang ang ginagawa ko. Actually, sa totoo lang (redundant redundant), hindi na nga ako nakapagsusulat lately.  Minsan nga tinatanong ko self ko, ano nga ba tong ginagawa ko?

Well surprisingly, masaya naman ang buhay ko.  Love ko ang pagsusulat, at marahil ito na talaga ang bahagi ng trabaho ko. Pakonti-konting text dito, papost-post lang sa FB at Twitter. Ansaya di ba?  Sa tatlong buwan na inilagi ko rito, nasanay naman ako. Habang tumatagal kasi ako sa trabaho, mas lalong nagiging madali ito sa akin.

Ayan, palagi ko na lamang sinasabi ito. HIndi ko na dapat pinag-uusapan ang trabaho.

Ibang mundo naman talaga ang ginagalawan ko ngayon.  Ibang-iba sa pagtuturo.  Minsan nga may kaibigan na nagsabi sa akin. And I must believe. There’s life outside teaching.  I guess, eto yung lesson na natutunan ko.  Minsan kasi, takot tayo na tumapak o lumabas sa ating comfort zone.  Akala natin na, “ay OK na ako dito.” Guilty! Ako, I mean. 

So eto ako ngayon. Hindi ko naman talaga inakala na darating ako sa ganitong punto na sa kabila ng aking pagkakaroon ng (self-inflicted?hehe) PPS (Peter Pan Syndrome) ay haharap ako sa pinaka-challenging na chapter ng buhay ko. Feeling ko ngayon pa lang ako gumugrow bilang human being. Imagine, halos five years akong naging teacher and just when I thought I matured already, mayroon pa palang plano para sa akin.  Hindi sa hindi ko na love ang teaching, pero mas malapit kasi ang trabaho sa kinahiligan ko. Mas naging malaya akong i-express yung gusto ko.

Henyway, isa lamang itong introduksiyon. Ano nga ba ang mai-expect nyo sa blog na ito? Wala naman. HIndi ko talaga pag-uusapan ang personal na buhay ko dito unlike sa iba kong mga blog. Mas focused ako ngayon dito sa mga bagay-bagay, issues na may katuturan at walang katuturan. Ang sabi ko nga, malaya, di ba? So, hindi naman ako nag-eexpect na basahin niyo ito. At your own risk lang.

Happy reading. Ano ba ang magandang sulatin ngayon? 

 

P.S. Sa Filipino na ako magsusulat. Yohoo!Image