Bakit nga Ba Nag-Trending ‘Ang Pinaka?’

by hulotnimikoy

Noong Linggo, nagdalawang-isip ako kung magli-live tweet ako ng ‘Ang Pinaka.’ Ang live-tweet ay yung pagbibigay sa mga followers ng mga significant information na makukuha habang nanonood ng programa.  Pumunta kasi ako ng Intramuros upang bisitahin ang aking kaibigan na si Johnny. Baka hindi makaabot, tineks ko ang aking workmate upang ipasa ko sa kaniya ang pagli-live tweet. Pero mabuti na lang at nakaabot ako ng opisina just before mag-air ang programa.

Interesting ang topic ng Ang Pinaka nung Sunday. KSP na Paandar ng Lovers Online. Gets niyo na siguro kung ano ang ibig sabihin nito. Marahil guilty din kayo. LOL. Ito na rin yata ang episode na halos di magkakaundagaga akong mag-favorite at retweet ng mga tweet.  Para bang may storm surge na nagyayare sa Twitter.  Paano ba naman, halos lahat yata ng mga tweetpips naka-relate! So ayun. I was just doing my job, so hindi ko talaga pinansin na may ganap na pala sa Twitterlandia.  Halos patapos na ang program nang nabasa ko sa isang follower na nagsabing trending ang Ang Pinaka. Huwaat? At talagang tsinek ko talaga  at yun! Akalain mo nga naman! Hindi naman siya number one, pero at least pasok sa TT (Trending Topic)!

1794659_545496282231219_81629799_n

 

Ganun pala ang feeling kapag nakita mo yung program na nabilang sa trending.  Hindi ma-explain e. Sa totoo lang, yung sumagi na tanong sa isip ko: bakit nag-trending ang program? Alam ko na maganda ang topic pero hindi ko inakalang yung response at feedback ng fans ay ganun kasidhi! Sidhi talaga! So, alay talaga ng program yung pagte-trend sa kanila. Oh, well, ego-boosting talaga sa akin yung nangyari. Hindi naman sa pagmamayabang, pero masaya talaga ako. I’m a lousy FB and Twitter user. Enough na na maka-20 likes yung post ko o picture ko.

Pero pagdating sa FB pages ng program ako, malaking bagay na sa akin yung malike ng ilang libong mga fans ang post ko. Hindi naman ako insecure, ano? Siguro nga, nag-iba na yung pananaw ko  sa social media. Nag-level up na siya.

Wala na talaga akong pake kung walang nagla-like ng post ko. Hahaha. Kasi alam ko na may mas mahalagang papel ang social media kesa mag-like ng mga walang kwentang post at selfie.😛

Bakit nga ba nag-trend Ang Pinaka? Ang tanong, paano nagiging trending ang isang topic? Alam niyo ba na 100-200 tweets gamit ang parehong hashtag ang kailangan para mag-trend ang isang topic? However, dapat daw na merong surge ng tweets. In other words, parang sabay-sabay raw na pagte-tweet. Kaya ayun, trending. Sa palagay ko nga e, ang nagpa trend sa program, maliban sa topic, ay ang Julielmo. Ito kasi yung word na palaging namention ng mga followers. Grabe yung fandom ng love team na ito. According to http://www.trendinalia.com, mga 10 minutes raw nagtrend ang program, at specifically, yung tweet, kung saan minention ko ang word na Julielmo, yung ang may pinakamaraming retweets at favorites. Amazing di ba? OO, ako din. Na-amaze.

Sana ganun palagi.